Magsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa araw ng Huwebes, Hunyo 18, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).
Katuwang ng OCD sa naturang drill ang member agencies ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Makikibahagi rin ang mga opisyal sa ceremonial pressing ng button sa Camp Aguinaldo sa Quezon City bilang hudyat ng pagsisimula ng nationwide earthquake drill.
Susundan ito ng opisyal na paglulunsad ng Harmonized National Contingency Plan para sa Highly-Intensity Earthquake sa Greater Metro Manila Area.
Sa naturang contingency plan, nakalatag ang coordination plan para sa national government, regional disaster risk reduction and management councils at mga lokal na pamahalaan sa kasagsagan ng malalakas na lindol kabilang ang the “Big One.”
Sa ilalim din nito, ang mga ahensiya sa mga karatig na rehiyon gayundin sa Region 3 at 4 ay idedeploy sa Metro Manila at magbibigay ng agarang search, rescue at operations support.
Isasagawa rin ang isang tabletop exercise kung saan isasagawa ang simulation sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol dulot ng paggalaw sa may West valley Fault, na susubok sa kahandaan at koordinasyon ng national at reguonal respinse systems sa kasagsagan ng malalakas na lindol na maaaring makaapekto sa Metro Manila at karatig na rehiyon.
















