-- Advertisements --

Pinaplano ng Department of Social Welfare and development na maglunsad ng isang nationwide nutrition intervention program.

Ito ay upang matugunan ang problema sa malnutrisyon sa buong bansa.

Ang nasabing plano ay bahagi ng pinag-usapan ng mga heads ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan katulad ng Department of Interior ang Local Government, Department of Health, Children’s First One Thousand Days Coalition (CFDC), at Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kailangan ng isang community-driven approach upang mabigyang tugon ang problema sa malnutrisyon sa bansa, lalo na ang unang isanlibong araw ng mga bata.

Paliwanag ng kalihim, mahalagang magkaroon ang bansa, lalo na ang mg LGU, ng nutrition specific at nutrition sensitive programs.

Upang maabot ito, iginiit ng kalihim na kailangan ng kolaborasyon sa pagitan ng ibat ibang mga ahensiya ng pamahalaan, kasama na ang pribadong sektor.