-- Advertisements --
Itinakda sa Marso 9 ang unang quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong taon.
Ayon sa Office of the Civil Defense na katuwang nila ang ational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagpapatupad ng nasabing earthquake drill.
Nanawagan sila lahat ng mga private at government offices na lumahok sa nasabing taunang earthquake drills.
Mararapat na sundin ang mga protocols tuwing may lindol gaya ng agad na isagawa ang “Duck, Cover and Hold”, magtungo agad sa mga itinalagang evacuation area kapag natapos na ang pagyanig.
Kapag nasa open area ay dapat iwasang lumapit sa tabi ng gusali at poste ng kuryente.










