-- Advertisements --

Inilunsad na ng mga tumututol sa charter change ang nationwide campaign para pigilan ang isinusulong na People’s initiative.

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, nagsimula na silang mamamahagi ng mga form o affidavits ng withdrawal na magagamit para bawiin ang mga lagda para sa people’s initiative.

Aniya, ang mga advocate mula sa No to Cha-cha Coalition ay nagsagawa na ng charter change awareness campaign sa buong bansa.

Bumalangkas na rin sila ng mga petisyon laban sa people’initiative na inihain sa mga distrito ng Commission on Electons at kung sakali ay hihingi sila ng tulong mula sa Korte Suprema kung kinakailangan.

Binigyan diin naman ni Colmenares na ang mga lagda sa people’s initiative campaign ay maaaring bawiin dahil personal itong karapatan. Ang kailangan lamang ay ipaalam umano ito sa Comelec at magbigay ng affidavit na nagsasaad ng intensiyon ng isang indibidwal na lumagda sa petisyon na binabawi na niya ang kaniyang lagda at kailangan umano itong kilalanin ng Comelec.