-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang National Unity Party (NUP) sa vice chairperson nito na si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, kasunod ng pagkakaaresto sa kanyang anak dahil sa umano’y pagkakaroon ng mahigit P1 milyong halaga ng kush o high-grade marijuana sa Las Piñas City.

Sa pahayag na inilabas ng National Unity Party (NUP), patuloy silang maninindigan kay Remulla “sa mahirap na panahon na ito.”

Alam nila ang propesyonalismo at pagmamahal ni Remulla sa bayan ay walang kapantay.

Pinuri rin ng partido si Remulla para sa kaagad na pagtiyak sa mga awtoridad na hindi siya, sa anumang paraan, makikialam o maimpluwensyahan ang kaso ng kanyang anak.

Kung maalala, ang panganay na anak ng DOJ chief na si Juanito Jose Diaz Remulla III ay inaresto noong Martes, Oktubre 11 ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group matapos makatanggap ng parsela na naglalaman ng humigit-kumulang 1 kilo ng kush sa isang bahay sa BF Resort Village.

Sa isang sulat-kamay na pahayag na inilabas ng DOJ noong Huwebes, nangako ang Justice Secretary na “igalang ang sistema ng hustisya” habang nagpahayag siya ng pag-asa para sa “landas tungo sa pagtubos” ng kanyang anak.