-- Advertisements --

Mas pinahaba pa ni President Donald Trump ang national social-distancing guidelines na ipinatupad nito sa buong Estados Unidos para labanan ang coronavirus outbreak sa bansa.

Tatagal hanggang April 30 ang naturang guideline na dapat ay orihinal na matatapos ngayong araw.

Ito ay kasunod nang inilabas na babala ng isang opisyal mula sa federal infectious disease matapos lumobo sa 1,000 katao ang namatay sa New York habang umakyat naman sa 2,500 ang nasawi sa buong Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Ayon kay Trump, posible na tumaas pa lalo sa susunod na dalawang linggo ang bilang ng mga namamatay sa Amerika.

“The modeling estimates that the peak in death rate is likely to hit in two weeks. I will say it again. The peak, the highest point of death rates, remember this, is likely to hit in two weeks… Therefore, we will be extending our guidelines to April 30, to slow the spread,” wika ng pangulo.

Sa kabila nito ay umaasa pa rin ang Republican president na babalik na sa normal ang lahat pagdating ng Hunyo 1.