Nangako ang tatlong national security advisors ng Pilipinas, Amerika at Japan ng pagpapalalim pa ng trilateral defense cooperation sa kauna-unahang pagpupulong na ginanap sa Tokyo, Japan.
Sa isang joint statement, sinabi ni Philippine NSA Eduardo Año kasama ang counterparts nito na sina US Security Adviser Jake Sullivan at Japanese Security adviser Akiba Takeo na natalakay nila ang mga plano para sa pagtiyak sa kapayapaan at stability sa Indo-Pacific region lalo na sa pagkakataon na magkaroon ng unilateral attemps para baguhin ang status quo sa rehiyon ng pwersahan.
Kabilang sa tinalakay ay ang pinagtatalunang karagatan sa West Philippine Sea gayundin ang tensiyon sa may Taiwan strait at sa North Korea.
Para mapag-ibayo pa ang defense at security sa rehiyon, magsasagawa ng joint maritime activities kabilang ang multilteral joint naval exercises sa mga karagatan sa Indo-Pacific.
Natalakay din sa pagpupulong ang developments sa ugnayan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kabilang ang pagtukoy sa apat na karagdagang sites sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Habang ang Pilipinas at Japan naman ay sumentro ang pag-uusap sa frameworks apara sa pagkakaroon ng isang reciprocal visits ng defense at military officials.
Napagkasunduan din ng tatlong opsiyal ang pagsasagawa ng trilteral exchanges sa mga susunod na buwan sa kani-kaniyang national secuirty councils para palawigin pa ang partnership at pagbabahagi ng mga impormasyon.