-- Advertisements --
Hiniling ng US Capitol Police na manatili ng karagdagang dalawang buwan ang mga National Guard.
Ito ay matapos na makatanggap ang US Department of Defense na may bantang paglusob muli sa Capitol Hills.
Nakatakda kasing umalis na ang mga itinalagang national guard sa Marso 12.
Magugunitang itinalaga ang mga National guard matapos ang naging riot noong Enero 6 ng lusubin ng mga supporters ni Trump ang US Capitol Hills ng hindi matanggap ang resulta ng halalan.