Kabuuang 22,700 indibidwal o 6,260 pamilya ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Neneng ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ng ahensiya na ang apektadong populasyon ay naiulat sa 86 na barangay.
May kabuuang 678 katao o 191 families ang nananatili sa loob ng 30 evacuation centers, habang 248 katao o 77 pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.
Sa Cagayan, may kabuuang 3,702 katao o 1,174 na pamilya ang preemptively evacuated dahil sa banta ni Neneng.
Ayon sa kagawaran, 59 na insidente ng pagbaha at pagguho ng lupa ang naiulat sa Cagayan.
Apat na bahay ang nasira—dalawa ang totally damage at dalawang partially—sa Ilocos at Cagayan.
May kabuuang 34 na seksyon ng kalsada at 12 tulay ang naapektuhan sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera.
Hindi bababa sa 29 na kalsada at 12 tulay sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista.
Naranasan ang pagkawala ng kuryente sa 25 lungsod at munisipalidad sa Ilocos at Cagayan. Naibalik na ang suplay ng kuryente sa tatlong lugar.