Nilinaw ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang 11 anti-drug operatives mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay kinasuhan ng kidnapping may kaugnayan sa pagkawala ng apat na drug suspects.
Ginawa ng lead investigator sa kaso na si Atty. Eduardo Ramos ang naturang pahayag kasunod ng napaulat na sangkot ang mga ito sa kaso ng pagkawala ng cockfight affionados o sabungeros na inimbestigahan ng Senado.
Ito ay ang imbestigasyon sa pagkawala ng drug suspects na sina Garry Matreo Jr., magkapatid na sina Gio at Mico Mateos at and Ronaldo Anonuevo, na dinukot noong April 13, 2021.
Paliwanag ni NBI investigator Ramos na ang kaso ng pagkawala ng apat na drug suspects ay konektado sa kaso may kinalaman sa pagkawala ng sabungeros dahil sa pagkakasangkot ng informants na sina Nicasio at Nicholes Manio sa misteryosong pagkawala ng online sabong master agent na sina Johnver Francisco at Franc Tabaranza.
Sina Francisco at Tabaranza ay dinala sa Meycauayan, Bulacan noong April 18, 2021 dalawang araw matapos ang pagdukot sa apat na drug suspects.
Paglilinaw pa ng NBI investigator na ang pangalang Mateos at Matreos ay hindi kabilang sa listahan ng mga sabungeros base na rin sa Senate committee report Subalit kabilang ang pangalan nina Francisco at Tabaranza sa nawawala may kinalaman sa imbestigasyon sa mga missing sabungeros.