-- Advertisements --

Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8, 2026.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 55 ang napaulat na namatay.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasugatan matapos ang berepikasyon na umabot na sa 1,120.

Habang nananatiling 31 indibidwal ang nawawala, base sa abiso ng mga kaanak at ilang testimonya.

Samantala, pinapayuhan naman ng NDRRMC ang publiko na manatiling handa sa mga aftershocks na mahigit 3,000 na mula noong Lunes.