-- Advertisements --

Pumalo na sa 14 na katao ang nasawi habang mahigit 2,700 ang nailikas matapos ang pagkasira ng Nova Kakhovka dam.

Sinabi ni Ihor Klymenko ang minister of internal affairs mayroon pang 35 katao ang kasalukuyang pinaghahanap sa Kherson at Klymenko region.

Inakusahan ng Ukraine ang Russia na sumira sa nasabing dam.

Ibinunyag din ng Kherson regional military administration na tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapaulan ng missile ng Russia kahit na patuloy ang ginagawang evacuation sa lugar.