-- Advertisements --
Umakyat na sa 4,651 ang nasawi sa Gaza mula ng magsimula ang labanan ng Israel Defense Forces at mga Hamas Militants noong Oktubre 7.
Bukod sa mga nasawi ay mayroong 14,245 ang nasugatan.
Ayon kay Palestenian Ministry of Health spokesperson Dr. Ashraf Al-Qidra na sa loob ng 24 oras lamang ay mayroong 266 katao ang nasawi kabilang ang 117 palestenians.
Nakatanggap din sila ng 1,450 na tawag ukol sa nawawalang mga tao kung saan 800 sa mga ito ay bata.
Pinaniniwalaan ng mga otoridad na maaaring natabunan ng mga gumuhong gusali ang naiulat na mga nawawalang tao.