-- Advertisements --
Ibinunyag naman ngayon ng Hamas-run health ministry sa Gaza na mayroong 11,078 katao na ang nasawi mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang military operations sa Gaza.
Kinabibilangan ito ng 4,506 na mga bata at mahigit na 3,000 na babae habang mayroong mahigit 27,000 katao naman ang nasugatan.
Una ng nagpahayag pagdududa ang US at Israel sa bilang na inilabas ng Hamas-run ministry subalit ito ay kinatigan ng World Health Organization na ang bilang na ibinigay ay makatotohanan.
Magugunitang hindi tumatalima ang Israel sa panawagan ng maraming bansa ng tigil-putukan kung saan pinaigting nila ang kanilang ground operations sa Gaza.