-- Advertisements --
377701011 622342560072097 8147232393884309821 n

Plano ng Bureau of Customs- Port of Zamboanga na ibigay na donasyon ang nasabat na P42 million halaga ng ipinuslit na bigas para sa mga programa ng pamahalaan.

Ayon kay BOC- Port of Zamboanga chief Benny Lontok, pinag-uusapan na kung ibibigay ito bilang donasyon sa Kadiwa store o sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naisumite na rin aniya ang naturang rekomendasyon sa BOC central office na subject sa approval ng Commissioner at Secretary of Finance.

Matatandaan na nag-isyu ang BOC-Port of Zamboanga ng isang order of forfeiture noong Setyembre 1 matapos na madiskubre ng mga awtoridad ang 42,180 na sako ng bigas sa isang bodega sa Barangay San Jose Gusu sa Zamboanga city na hindi saklaw sa sanitary at phytosanitary import clearance mula sa Bureau of Plant Industry.