-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 16 09 50 45

DAVAO CITY – Nasa P1 million ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa IKP South Bay, Brgy Lapu-Lapu, Agdao sa lungsod ng Davao.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Davao, nasa 25 na mga bahay ang apektado ng sunog na nagsimula sa boarding house dahil umano sa electrical short circuit.

Sinasabing mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay sa lugar ay gawa lamang sa mga light materials.

Walang naitalang casualty matapos ang insidente ngunit nasa 47 ang bilang ng mga naapektuhan sa sunog kabilang na ang mga renters.

Karamihan sa mga residente ay walang naisalba na mga gamit dahil sa mabilis na pagkalat apoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Catalino Carolina.

Sa kasalukuyan nasa evacuation center g barangay ang mga apektadong pamilya at sinimulan na rin ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang evaluation sa mga apektadong residente para agad na mabigyan ito ng tulong lalo na ang mga pamilya na totally damage ang kanilang mga bahay.