-- Advertisements --
ZAMBOANGA CITY – Arestado ang driver ng truck na nahulihan ng ilang daang kaha ng hinihinalaang smuggled na sigarilyo sa San Jose Road, Zamboanga City.
Nakilala ang driver na si Rasdi Rei Bairulla, 27-anyos, at residente ng Barangay Sta. Barbara.
Nabatid na babiyahe na sana ang naturang truck nang harangin ng pulisya.
Nakumpisya sa operasyon ang 27 ice cases na naglalaman ng mga samo’t saring brand ng pinaniniwalaang smuggled na sigarilyo.
Nang hinanapan ng mga operatiba ng Police Station 11 ng karampatang papeles ang nasabing driver, tanging OR at CR lamang ng Truck ang naipakita nito.
Sa ngayon ay hawak na ng Bureau of Customs ang mga nakumpiskang sigarilyo at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa suspect.