NAGA CITY – Umabot sa P1.4-M ang halaga ng pinsala matapos masunog ang mga gamit para sa pagsasaka sa isang farm sa Brgy. Cararayan, Naga City.
Ang nasabing property ay pagmamay-ari umano ng Aurellano family.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FCI Peter Paul Mendoza, City Fire Marshal ng Naga City Central Fire Station, sinabi nito na ang nasabing pagtaya ng pinsala ay batay sa per square meter na evaluation.
Aniya, alas-12:35 ng hatinggabi nang matanggap nila ang report sa nasabing sunog na agad naman umano nilang nirespondehan.
Dagdag pa ng opisyal, inabot ng halos 20 minuto bago naideklarang fire under control ang insidente habang dakong alas-12:53 naman nang tuluyang maapula ang apoy ng mga rumespondeng BFP.
Samantala, posibleng problema sa electrical wiring ang naging dahilan ng sunog dahil ayon mismo sa mga may-ari ng lugar, mayroon na silang napansin sa mismong ilaw dito.
Sa kabila nito, wala naman umanong naging casualty kaugnay ng nasabing insidente.