Target ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na makapag-recruit ng nasa 500,000 volunteers para sa nalalapit na halalan.
Ayon kay PPCRV chairperson Myla Villanueva, ang kanilang grupo ay nakatoka sa pagtulong para sa voter education, voter registration, poll watching, at unofficial parallel count.
Sinabi ni Villanueva na tiyak na mababago ang pananaw sa buhay at ang pagtingin sa demokrasya kapag mag volunteer sa pagtulong sa pagpapanatili nang kaayusan sa halalan.
Sa mga nais na mag-volunteer, ang kailangan lamang aniya ay dapat 18-anyos pataas ang mga ito at fully vaccinated na rin kontra COVID-19.
Maari lamang magtanong sa kanilang local parish para malaman kung anong mga posisyon ang kanilang kailangan kaugnay sa May 2022 polls.
Sa ngayon, tiniyak ng chairman ng PPCRV sa publiko na mayroong napakaraming paraan para maprotektahan hindi lamang ang halalan sa anumang uri ng pandaraya.
Bukod aniya sa source code review na kanilang ginagawa, nagkakaroon din ng monitoring sa pagtatapos ng botohan.