KALIBO, Aklan — Nagbabala ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa publiko na huwag maging biktima ng mga investment scam.

Ito ay kasunod ng napabalitang nasa 500 taga-Aklan ang nabiktima ng sinasabing investment scam sa Capiz, ang Double Your Money scam na umaabot sa mahigit sa P29 milyon.

Ilan sa mga diumano’y nabiktima ng scam ang mga negosyante, ilang miyembro ng media at iba pa.

Ayon kay Police Major Willian Aguirre, assistant unit chief ng Provincial Investigation and Detective Management Unit ng APPO na dapat maging mapagbantay ang lahat at huwag magpadala sa mga matatamis na pangako para maiwasan ang mga scam.

Kailangan rin umanong tingnan kung naka-rehistro ang mga ito sa Securities and Exchange Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

-- Advertisement --

Kasabay nito, umapela si Major Aguirre sa publiko nga agad i-report sa pulisya ang mga tao o kompaniyang sangkot sa investment scams.