-- Advertisements --
Screenshot 2020 10 10 13 27 15

KORONADAL CITY – Kasalukuyang nananatili sa evacuation center ang nasa 30 pamilya na apektado ng nangyaring pagguho ng lupa at naitalang mga bitak sa lupa sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Ito’y matapos nadiskobrehan ng mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga tension cracks mula sa Sitio Tuburan, Barangay Ned.

Ayon kay PDRRMO head Rolly Doane Aquino, posible umanong nangyari ang pagguho ng lupa at pagkakaroon ng mga bitak dahil sa walang tigil na pag-ulan noong nakaraang mga araw.

Kabilang umano sa mga naapektohan ay ilang mga kabahayan, paaralan, mga sakahan at ilang mga daan.

Sa ngayon ay patuloy ang pamimigay ng tulong ng ahensiya sa mga apektadong mga pamilya habang nagpapatuloy rin ang damage assessment sa naturang lugar.