Pumalo na sa halos 30,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa bansa ilang araw bago ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa.

Batay sa datos ng PCG, nitong umaga lamang ay 29,822 pasahero na ang naitatala mula sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, karamihan ng mga pasahero ay mula sa Central Visayas na umabot sa 9,448.

Sa Southern Tagalog naman, ang kabuuang bilang ng pasahero ay umabot na sa 5,256.

Dagdag pa ng PCG,4,478 naman ang naitalang outbound passenders sa Western Visayas, habang 2,746 ang sa Southern Mindanao.

Samantala, sa Bicol umabot sa 1,893 ang mga bumiyaheng pasahero; 2,135 ang sa Northern Mindanao; 1,518 ang sa Eastern Visayas; at 2,348 naman ang sa Southern Visayas.

Sa isang statement, sinabi ni PCG commandant Vice Admiral Joel Garcia na nakatutok ngayon ang ahensya sa pagbabanta sa southern portion ng bansa para mapigilan ang mga mapansamantala na manggulo sa mga susunod na araw.