-- Advertisements --
viber image 2021 11 08 20 54 55 595

KORONADAL CITY – Pangungunahan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang third phase ng decommissionning process sa 14,000 na mga kasapi ng armed wing nitong Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) bilang bahagi ng commitment nito sa 2014 peace deal sa gobyerno.

Matapos ang halos dalawang taon nasa 12,000 mga MILF fighters pa lamang ang nakapagsuko ng kanilang mga baril noong September 2019 sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lt. Col. Mohammed Shalleh Ismail, deputy chief of staff of the Independent Decommissioning Body (IDB), ang decommissioning ceremony ay magsisimula alas-8:00 ngayong umaga sa Old Provincial Capitol in Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat town, Maguindanao province.

Ngunit magiging limitado lamang ang mfa indibidwal na makakadalo dahil sa kailangang sumunod sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) health protocols.

Ang decommissioning process ang i-susupervise IDB kung daan chairman nito ang Turkish Ambassador to the Philippines na si Ahmet Idem Akay.

Kung maaalala sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ang MILF ang kailangang isailalim sa decommissioning ang nasa 40,000 combatants nito.

Napag-alaman na ang bawat kasapi ng MILF fighter na sasailalim sa decommissioning ay tatanggap ng P100,000 na cash assistance.