-- Advertisements --
DAVAO CITY – Aabot sa halos 20 mga bahay ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog sa ilalim ng Bolton Bridge nitong lungsod kanina.
Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, faulty electrical wiring ang tinitingnan na dahilan ng sunog na nagsimula sa bahay ng isang Grace Bantayan Macuto residente ng Almond St., S.I.R. Phase 1, Barangay 76-A.
Walang naitalang casualty o sugatan matapos ang nasabing insidente ngunit na sa 23 mga pamilya ang nawalan ng bahay.
Sa kasalukuyan, tempararyong nasa evacuation center sa lugar ang mga apektadong residente at hinahanda na ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang tulong na ibibigay sa mga ito.