-- Advertisements --
image 181

Ipapakalat na ang 192,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng kapaskuhan

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr, Ipapakalat ang mga pulis sa lahat ng lugar ng convergence kung saan inaasahang gugulin ng mga tao ang kanilang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Nakakalat na rin umano ang mga mobile Patrol sa lahat ng simbahan, bilang pagdaraos sa Simbang gabi kung may kailangan rin ng assistance.

Dagdag rin ng PNP chief na magta-tap sila ng mahigit 29,400 force multipliers sakaling kailanganin ng karagdagang presensya ng pulisya.

Samantala, nagbabala ang PNP chief sa publiko na mag-ingat sa mga magnanakaw sa mga shopping center at iba pang pampublikong lugar, lalo na’t uso ang mga salisi sa mga malls.

Bukod dito, sinabi ni Azurin na magpapatrolya ang mga pulis kasama ang mga opisyal ng barangay upang pangalagaan ang bawat tirahan laban sa mga magnanakaw.