-- Advertisements --

Nasa 160,000 OFWs pa ang nananatiling stranded sa kanilang host countries sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, patuloy nilang sinsikap na mapauwi sa lalong madaling panahon ang mga stranded OFWs.

Pinakamaraming stranded Filipino workers aniya sa ngayon ay sa Saudi Arabia dahil aabot ito ng hanggang 88,000.

Bukod sa repatriation ng mga OFWs, sinabi rin ni Arriola na inaasikaso rin nila ang pagpapawi sa labi ng mga pumanaw na manggagawang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia.

Noong Martes, sinabi ni DOLE Dir. Alice Visperas ng International Labor Affairs Bureau na binigyan sila ng KSA authorities ng 72-hour deadline para sa pagpapalibing sa mga nasawing OFWs.

Kaya nakikiusap aniya sila sa pamahalaan ng KSA na payagan sila na gawin ang pagppalibing ng hanggang Sabado ng susunod na linggo.