Naniniwala si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na malaki ang maitutulong nang pagsasabatas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) looms para sa pagsindi ng ekonomiya ng bansa na lubhang apektado ng COVID-19 pandemic.
Tinatayang aabot kasi ng $7 billion hanggang $10 billion halaga ng karagdagang foreign investments ang inaasahang papasok kapag maging ganap na batas na ang naturang panukala.
Bukod dito, inaasahan ding na nasa 2 million trabaho din ang inaasahang mabubuo sa loob lamang ng dalawang taon.
Nauna nang lumiham si Salceda kay House Speaker Lord Allan Velasco para ipabatid ang pagnanais ng kanyang komite na pagtibayin na lamang sa House plenary ang bersyon ng Senado nang CREATE para mapabilis ang approval nito.
Sinabi ni Salceda na makikipag-ugnayan siya sa Board of Investments at ecozones para alamin kung paano ma-promote ang Pilipinas bilang investment destination ngayong nagiging malinaw na sa ngayon ang approval ng CREATE.
Makikipag-ugnayan din siya sa Department of Finance para matiyak na ang Fiscal Incentives Review Board (FIRB), na palalakasin ng CREATE bilang isang central incentives management agency ng bansa, ay kakayanin ang influx ng mga bagong investment applications.
Sa oras na mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte, babawasan ng 10 perceent ang corporate income tax para sa mga kompanya na may net taxable income hanggang P5 million; at 5-percent reduction para naman sa lahat na iba pang kompanya.