-- Advertisements --

Pinayagang makalabas ng bansa ang nasa 600 hanggang 900 registered nurses, ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III.

Ang mga registered nurses na nakumpleto ng kanilang requirements para makapagtrabaho abroad bago sumapit ang Marso 8, 2020 ang tanging papayagan lamang aniya na makalabas ng Pilipinas kahit may umiiral na temporary overseas deployment ban sa mga healthcare workers.

Ayon kay Bello, exempted din sa deployment ban iyong nagtatrabaho abroad pero kasalukuyang nasa Pilipinas para magbakasyon.

Nauna nang binatikos ng Filipino Nurses United ang polisya ng pamahalaan na ipagbawal ang deployment ng mga medical workers abroad.

Wala aniyang karapatan ang pamahalaan para pilitin ang healthcare workers na manatili sa bansa kung may mas magandang oportunidad naman ang mga ito sa ibang bansa.