-- Advertisements --

Apektado rin ng narararanasang matinding init ng panahon ngayon ang ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas matapos nilang mapag-alaman na ang matinding init ng panahon ay hindi lamang sa tao at sa kapaligiran nakakaapekto dahil napapabagal din nito ang economic growth ng ating bansa.

Kasunod Ito ng isinagawang pag-aaral ng BSP kung saan sinuri nito kung papaano nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mabilis na pagbabago ng temperatura sa Pilipinas.

Dito ay sinuring mabuti ng mga kinauukulan kung paano nakakaapekto sa production, business operations, at price levels ng bansa ang pa bago-bagong temperatura.

Ito kasi ang mga factors na crucial para sa Bangko Sentral pagdating sa kanilang pagdedesisyon sa financial and banking strategies para sa bansa.

Batay kasi sa naturang pag-aaral, sa kada degree rise ng temperatura ay nagkakaroon din ng pagbaba sa overall growth ng ekonomiya.

Bukod dito ay lumalabas din sa naturang pag-aaral na sa kabila ng conceptual alignment ng mga polisiya at institutional structures para sa climate change adaptation at disaster risk management, ay wala gaanong naging epekto sa ilang sektor.

Ayon sa mga researchers, ito ay dahil sa overlapping strategies, action plans, methodologies, at reporting systems dahil sa kakulangan sa resources at expertise ng mga lokal na pamahalaan.

Kung maalala, una nang iniulat ng state weather Bureau na mula noong Hulyo 2023 ay nakaranas na ng patuloy na heat and dryness ang bansa kasabay na rin ng mas mababang bilang ng mga pag-ulan na mararanasan sa mga susunod na buwan na maaari namang mauwi sa kakulangan ng supply ng tubig, pagtaas ng konsumo ng tubig, at gayundin ang pagtaas ng sakit na dulot ng kasalukuyang klima ng panahon.