Tumaas pa ang bilang ng mga napauwing Filipino workers sa bansa mula nang tumindi ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.
Kaninang madaling araw, nakatanggap umano ng report ang opisina ni Labor Sec. Silvestre Bello III na 72,000 na ang kabuuang bilang ng mga napauwing manggagawa.
Nilinaw din nitong hindi lamang nila hinayaang manatili ang mga ito sa Metro Manila, dahil ang karamihan ay nakarating na hanggang sa kanilang mga probinsya.
Habang sunod nilang inaasikaso ngayon ang pag-uwi sa bansa ng mga labi ng mga Filipinong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Middle East, partikular na sa Saudi Arabia.
Naging pangunahing problema sa Saudi ang kawalan ng crematorium, dahil bawal ito sa kanilang kultura.
















