Inabswelto ng Korte Suprema ang kasong malversation of public funds ng napaslang na si Negros Oriental Governor Roel Degamo na inihain laban sa kaniya at tatlong iba pa kaugnay sa disbursement ng calamity funds noong taong 2011.
Sa resolution na may petsang Pebrero 22 na inilabas sa publiko noong Marso 27, pinawalang sala ng First Division ng Kataas-taasang hukuman ang 11 bilang ng graft charges at 11 bilang ng kasong falsification laban kay Degamo at co-defendants nito na sina Danilo Mendez at Teodorico Reyes.
Ang dalawang opisyal na nadadawit sa kaso na sina Mendez ay nagsilbi noong provincial treasurer habang si Reyes naman ay ang provincial accountant.
Ang ika-apat na defendant na si Farouk Macarambon ng Fiat Construction Services ay inakusan ding sangkot sa anomaliya.
Kinatigan din ng tribunal ang petition for certiorari na inihain ni Degamo at kaniyang co-defendants noong 2021 matapos ideklarang not guilty ng Sandiganbayan Third Division sa naturang mga kaso.
Una rito, nag-ugat ang mga kaso laban kay Degamo mula sa P480.7-million Special Allotment and Release Order (SARO) na ni-request umano nito noong 2012 para sa rehabilitasyon ng napinsalang imprastruktura sa Negros Oriental.
Nadiskubre umano ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroong anomaliya sa pagbili ng mga materyales at pagbabayad para sa rehabilitasyon ng imprastruktura na nasira dahil sa bagyong Sendong na nanalasa noong 2011 at tumamang malakas na lindol.
Una ng sinabi noon ni Degamo na ang ibinabatong kaso sa kaniya ay pawang politically motivated lamang.