-- Advertisements --

Nasa kustodiya ng British embassy ng bansa ang mag-asawang napalaya sa kamay ng Abu Sayaff sa Sulu.
Dumating nitong 9:30 ng gabi ng Lunes ang negosyanteng Briton na si Allan Hyron at asawang Pinay na si Wilma.
Ang mag-asawa ay nanatili sa kamay ng Abu Sayyaf ng halos dalawang buwan.
Sinabi ni Western Mindanao Command chief Lt. General Cirilito Sobejana na siyang naghatid sa mag-asawa, sinalubong sila ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce ng lumapag ang kanilang eroplano sa Villamor Air base sa Taguig.
Narescue ng mga militar ang mag-asawa sa Parang, Sulu noong Lunes matapos ang 53 araw ng dukutin sila ng ASG at dinala sa Zamboanga.
Iginiit din ng militar na walang ibiniyad na ransom sa mga nakalayang mag-asawa.
















