-- Advertisements --

NAGA CITY- Napabayaan na niluluto ang nakikitang dahilan sa nangyaring sunog noong gabi nang Enero 24, 2023 sa Calauag, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki SFO1 Erwin Yap, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga sinabi nito na posibleng nagmula sa pagpapabaya sa pagluluto ang pinagmulan nang nasabing sunog.

Idagdag pa na gawa sa mga light materials ang limang mga kabahayan na natupok nang apoy kung kaya mabilis na kumalat ang sunog at umabot sa 30 minutos bago tuluyang naaapula ito.

Ayon pa kay Yap, tatlo sa nasabing mga bahay ang natupok. Tinataya naman na nasa mahigit-kumulang P169,000 ang halaga nang danyos sa insidente.

Samantala nasa siyam na pamilya ang apektado nang nangyaring sunog.

Sa ngayon, paalala na lang ng opisyal sa publiko na kung sakaling magluluto, tiyakin na hindi ito iiwan upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.