-- Advertisements --

Isinisi ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario sa hindi tamang polisiya ng pamahalaan ang nangyaring pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng mga Filipino sa West Philippine Sea.

Ayon kay Del Rosario, sadyang nakakalito ang direksyon ng mga patakaran ng gobyerno hinggil sa kalagayan ng mga kababayan natin sa nasabing bahagi ng teritoryo.

Pero pinuri naman nito ang pagsisikap ng DFA na patuloy na iprotesta ang ginagawa ng mga banyaga sa loob ng ating teritoryo.

“While the Philippine response protesting China’s action is commendable by itself, it is nonetheless disheartening to note that this aggression may be traced back to the wrong Philippine policy,”

Magugunitang binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang supply boat na sinasakyan ng mga Pinoy, na maghahatid lang sana ng pangangailangan ng mga sundalong nananatili sa posisyon na nasa West Ph Sea.

Para kay Del Rosario, dapat i-maximize ang lahat ng paraan para makamit ang katuparan ng The Hague ruling sa isyu ng West Philippine Sea na kanilang dati nang ipinaglaban.