-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay ang isang ina matapos na saksakin ng sariling anak sa Alaska Mambaling, lungsod ng Cebu kagabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima si Anelita Anduque.

Arestado naman ang anak nito na si Johnrey Bacsal, 25-anyos.

Ayon kay Police Master Sergeant Nelson Solana ng Mambaling Police Station, pinagsabihan umano ni Anelita ang anak nito dahil sa paglalakwatsa sa gitna ng umiiral na lockdown.

Nauwi sa matinding pagtatalo ang pagsita ng ina sa kanyang anak hanggang sa kumuha ang suspect ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima.

Napag-alamang na-depress umano ang suspek dahil hindi ito nakasakay sa barko upang magtrabaho bilang seaman.

Nasa kulungan na sa ngayon ang suspect at nahaharap sa kasong paricide.