Walang ibang naging reaksyon ang ina ng flight attendant na si Christine Dacera kundi “edi wow” matapos na igiiit ng mga suspects sa kaso na sila ay inosente sa pagkamatay ng anak nito.
Sa isang panayam, sinabi ni Sharon Dacera na “alam ng Diyos ang totoo” sa pagkamatay ng kanyang anak.
Si Christine ay natagpuang patay sa bathtub ng inuupahang kuwarto sa isang hotel sa Makati City noong Enero 1, 2021.
Naniniwala ang mga pulis at pamilya ng biktima na ito ay ginahasa.
Inaresto ang tatlo sa mga suspects na sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili, pero pinalaya mula sa pagkakakulong noong Miyerkules, Enero 6, 2021, dahil sa hindi sapat ang ebidensya sa reklamong inihain laban sa kanila.
Nanindigan ang tatlo na sila ay inosente, at sinabi na sa katunayan ay tinulungan pa nga raw nila si Christine at hindi rin nila kaya itong saktan.
Gayunman, sinabi ng pamilya ng bitikma na patuloy nilang ipaglalaban ang pagkamatay ni Christine hanggang sa makuha nila ang hinahangad na hustisya.










