Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Nailigtas ng mga otoridad ang mag-inang biktima umano ng pang-aabuso ng kanilang ama sa bahagi ng Libagon, Southern Leyte.

Napag-alamang mula ang mag-ina at anim na anak nito sa Naval, Biliran at tumakas papuntang Southern Leyte nang sa gayon ay matakasan ang asawa nitong mapang-abuso.

Batay sa report na umaabot pa umano sa punto na ginagahasa ng amahin ang dalawa sa mga anak nito.

Kaagad namang nagresponde ang mga otoridad at sa ngayon ay nasa pangangalaga na crisis center ng Southern Leyte Provincial Welfare and Development ang mag-ina.