-- Advertisements --

Kumbinsido ang Muntinlupa City PNP na walang kinalaman sa issue ng good conduct time allowances (GCTA) ang pagkamatay ng isang kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) kamakailan.

Batay sa records ng nasawing si Ruperto Traya Jr., nabatid na kabilang sa trabaho nito bago napatay ang safekeeping sa mga dokumento ng BuCor, kabilang na ang GCTA ng mga inmates.

Taong 1988 daw nang una itong magtrabaho bilang prison guard sa New Bilibid Prison hanggang sa na-promote bilang Administrative Officer III.

Minsan na rin umano itong na-destino sa Leyte Penal Colony, gayundin na nakasuhan ng grave misconduct ngunit nabasura rin.

Nitong 2016 nang ilipat si Traya sa Inmates Documents Processing Section ng BuCor.

Ayon sa mga imbestigador ng Muntinlupa PNP, tukoy na nila ang motibo sa krimen.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na raw ang kanilang hanay sa Leyte Penal Colony kasunod ng nangyaring pagpaslang dito.