-- Advertisements --
image 179

Ibinunyag ng National Bureau of Investigation na hindi buto ng tao ang nakuhang buto sa loob ng septic tank ng New Bilibid Prison kamakailan.

Batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng National Bureau of Investigation Forensic , napag-alaman na ito ay isang buto ng manok.

Una ng diskubre ang umano’y buto ng tao sa loob ng poso negro matapos ang isinagawang paghahanap sa nawawalang inmate na si Michael Cataroja 25, anyos.

Naiulat na nawawala si Cataroja noong Hulyo a 15 at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito  nakikita.

Kung maaalala, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakuha na ang katawan nito sa loob ng Bilibid sa compound umano ng sputnik gang.
Kalaunan ay binawi naman ito ng kalihim at sinabing siya ay biktima ng fake news.