-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang kongresista sa pamahalaan na pansamantalang huwag na munang singilin ang dagdag na bayad sa mga containers sa pier na hindi agad nailabas dahil sa enhanced community quarantine.

Paliwanag nina Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong at ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap, magkakaroon ng “ripple effect” sa oras na sisingilin pa rin ang storage, demmurage at detention fees sa mga nakatenggang containers sa mga pantalan.

Isa sa mga maaring mangyari aniya na kanilang ikinakabahala ay ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa ngayon, ilang daan na ang bilang ng mga containers sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang hindi nakukuha dahil.

Resulta ito nang tigil-operasyon ng karamihan sa mga kompanya, hindi makalabas ang mga truck at drivers, at marami ring lasangan sa National Capital Region ang sarado dahil sa mga checkpoints.

Bukod dito, suspendido anila ang operasyon ng Manila International Container Port dahil sa isang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Kapag patuloy na sisingilin ang dagdag na bayad sa mga unclaimed containers, sinabi ng dalawang kongresista na lalo lamang mahihiraoan ang mga importers na makabayad at makolekta ang kanilang mga kargamento sa hinaharap.