Umaabot na sa 2,317,753 ang nakarehistro sa national ID sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Christopher Flores, Provincial Focal Person, ng PHILSYS Pangasinan, kasalukuyang pinapaigting na rin ang pagdedeliber ng Physical ID card.
Sa katunayan ay nakatanggap na ang Post office ng kabuuang 525,150 PV cards at naideliber na ang 520,133 o 99 percent ay nakatanggap na nito.
Aminado si Florez na marami ang hindi pa nakakatanggap ng ID dahil mababa ang kanilang delivery status nitong nakaraang buwan.
Pero kanyang tiniyak na sinisikap ng kanilang tanggapan na maiproduce ang ID ng nakakaram na nag aantay ng release ng kanilang id.
Samantala, nagbigay ng public advisory ang tanggapan ng PSA sa lahat ng private at government institution na puwedeng gamitin ang electronic Philippine ID.
Huwag umanong mag aalala kung printed lang sa bond paper ang ID dahil kikilalanin pa rin umano ng lahat ng estalisyemento.
Payo niya sa mga hindi pa nakakatanggap ng national id, na puwede nilang machek o maverify ang kanilang ID kung ready na para sa printing sa pamamagitan ng number sa transaction slip na ibinigay sa kanila noong sila ay magparehistro.