CEBU CITY – “Na-paranoid” umano si Cpl. Feliciano Yballe, ang pulis na nabaril ng miyembro ng Provincial Intelligence Branch (PIB) noong Martes ng madaling araw sa Brgy. Sudlon 1, lungsod ng Cebu.

Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, ang regional director ng PRO-7 na nakatanggap na umano si Yballe ng mga death threat galing sa mga drug syndicate.

Gusto lang sanang magpatulong ng mga miyembro ng PIB kay Yballe noong araw na nagkabarilan ito para sa paghahanap sa suspek na bumaril-patay sa isang pulis ng Toledo City na nakatira rin sa Brgy. Sudlon 1, ngunit nagpaputok umano agad si Yballe.

Sinabi ng regional director na isang “misencounter” ang nangyari.

Dahil dito ni-relieve sa pwesto ang miyembro ng PIB na sina Lt. Col. Christopher Natnat, Capt. Nazareno Emia at iba pa.

Kinumpiska muna ang mga baril nila habang isinasailalim sa imbestigasyon ng Regional Internal Affairs Service.