-- Advertisements --

Pinuna ni House Dangerous Drugs Committee chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Babers ang pananahimik ng mga otoridad sa pagpasok ng mga Chinese nationas ng ilang milyong dolyar sa bansa. 

Ayon kay Barbers, tila hindi alam ng Anti-Money Laundering Council, Bureau of Customs, Department of Finance, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang concerned agencies agencies ang gagawin sa sitwasyon na ito. 

Ito ay matapos na ibinulgar kahapon ng BOC na $370 million o P18.7 billion cold cash ang nagawang maipasok sa Pilipinas ng tinatawag na “Chinese Group at Rodriguez Group.”

Sampal sa mukha na nga aniya ang nangyayari sa ngayon dahil lumalabas na alam naman ng mga awtoridad kung sino ang mga taong sangkot dito, at escorted pa nga ng mga pulis at militar ang kahinahinalang aktibidad. 

Sa katunayan maituturing na nga aniyang red flag ang dahilan ng mga suspected money launderers na ito na gagamitin ang bitbit na pera para sa casino o investment gayong Tourist Visas at hindi Special Investor’s Resident Visa ang hawak ng mga ito. 

Para kay Barbers, ang dapat na gawin ngayon ng mga awtoridad ay gayahin ang prosesong sinusunod ng Esatdos Unidos kung saan isinasailalim sa profiling sa mga sangkot sa suspected money laundering scheme.