Masaya at excited na umano ang Lakers forward na si Anthony Davis na makasama muli si LeBron James sa kampanya upang maidepensa ang korona.
Ginawa ni Davis ang pahayag sa media day bilang paghahanda ng liga sa bagong season.
Una nang pumirma si Davis ng $190 million five-year deal habang si James naman ay may two-year extension na nagkakahalaga ng $85 million.
Para kay Davis nakakalula raw ang naturang kontrata ni LeBron sa ika-18 taon nito sa NBA.
“I was excited for him it’s a hell of a deal,” ani Davis. “I’m happy to be playing along with him for three years and I’m not sure he’s going to be done after that.”
Samantala, kumpiyansa pa rin si Davis na kayang-kaya pa rin nilang idepensa ang korona lalo na at may bago silang teammates.
Aminado naman ang 27-anyos LA star na labis ang kanyang pag-iingat sa laro para manatiling healthy at hindi muna niya iniisip ang personal award tulad ng MVP.