DAGUPAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang mister matapos na malunod sa isang quarry site sa Pozzorubio, Pangasinan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Moises Fernandez, 52-anyos na residente ng Barangay Don Benito sa nabanggit na bayan.

Batay sa impormasyon, nagtungo sa ilog ang biktima na nagsisilbi ring quarry site kasama ang ilan nilang kaibigan habang nasa impluwensiya ng alak.

Makalipas ang ilang oras ay hindi na nila makita ang biktima hanggang sa narekober na lang ang bangkay nito ng kaniyang kapatid na si Vicente Fernandez.

Nadala pa ito sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician na tumingin sakaniya.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.