Nakitaan umano ng presensya ng algal bloom o maraming lumot ng BFAR ang Cañacao Bay sa Cavite City .
Ito rin ang itinuturong dahilan ng natirang ahensya kung bakit nagkaroon ng fish kill sa naturang lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ng BFAR na batay ito sa isinagawa nilang inisyal na assessment sa lugar kung saan tone toneladang blackchin tilapia ang namatay at nagsi lutangan.
Ayon sa tagapagsalita ng BFAR na si Nazario Briguera, bumaba umano ang dissolved oxygen level na naging dahilan ng pagdami naman ng mga algal bloom o lumot sa lugar.
Aniya, isa itong natural phenomenon at hindi matukoy kung kailan ito maglalabasan sa mga katubigan.
Binigyang linaw naman ng ahensya na walang malaking epekto ang fish kill sa kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar.
Ito’y dahil maliit lamang ang commercial value ng mga namatay na isda partikular na ang blackchin tilapia.
Tuloy-tuloy naman ang pag-alalay ng BFAR sa mga naapektuhang mangingisda sa naturang lugar.