Papalo na raw sa halos 50 percent ang naitatalang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) BA.5 Omicron subvariant kumpara sa ibang Omicron variant na mayroon ang bansa.
Sa ngayon, nakapagtalala ulit ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 1,200 na bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant.
Ito ay base na rin sa pinakahuling sequencing results mula September 24 hanggang 26.
Ayon kay DoH-Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang 1,199 cases ang local at isa naman ay mula sa isang Pinoy na galing sa ibayong dagat.
Samantala, nasa 33 namang BA.4 Omicron subvariant ang na-detect ng DoH at 31 dito ay mula sa Soccsksargen an ang dalawa ay mula sa Northern Mindanao.
Dagdag ng DoH, nasa siyam daw na local cases ang naitalang Delta variant at lima rito ang mula sa Soccsksargen, tatlo sa Caraga at isa naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Nakapagtala rin ang Health department ng tatlong bagoong kaso ng BA.2.75 Omicron subvariant at dalawang kaso ng BA.2.12.1.
Iniulat din ng DoH ang 186 cases ng “no assigned lineage,” 162 cases ng “other sublineages” at isang kaso ng “other lineage assigned.”
Sinabi rin ni Vergeire na ang bahagi raw ng lifecycle ng naturang virus ay ang mag-mutate.