-- Advertisements --
OFW NAIA stranded COVID quarantine passengers

Bilang paghahanda sa tinatawag na “new normal” pormal na ring binuksan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagbabalik ng international flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ang Terminal 3 ay pansamantalang isinara noong March 28 matapos ang nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Muling nagpatuloy ang operasyon ng NAIA Terminal 3 kaninang alas-12:01 ng madaling araw na na-relocate sa NAIA Terminal 1 noong buwang ng Marso.

Ang mga flights ng lahat ng Nippon Airways (ANA), Air Aisa Berhad (AK), Cathay Pacific (CX), Emirates (EK), KLM  Royal Dutch Airlines (KLM), Qatar Airways (QR),  Singapore Airlines (SQ) at Turkish Airlines (TK) ay puwede nang bumiyahe papasok at palabas ng Terminal 3.

Pero ang international operations ng iba pang airline carriers gaya ng Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways at United Airlines na nasa Terminal 3 ay suspendido pa rin hanggang ngayon.

Samantala, sa NAIA Terminal 2 ay patuloy pa rin naman ang pagtanggap ng mga international arrival flights ng Philippine Airlines. 

Ang PAL  international departures ay kasalukuyang nasa NAIA Terminal 1.

Ang mga airlines na naka-assign sa NAIA Terminal 1 ay mananatili sa Terminal 1 kabilang dito ang Air China (CA), Air Niugini (PX), Asiana Airlines (OZ), China Airlines (CI), China Eastern (MU), China Southern (CZ), Etihad Airways (EY), Eva Air (BR), Ethiopian Airlines (ET), Gulf Air (GF), Hong Kong Airlines, Japan Airlines (JL), Jeju Air (7C), Jetstar Asia (3K, )Jetstar Japan (GK), Korean Airlines (KE), Kuwait Airways (KU), Malaysian Airlines (MH), Oman Air (WY), Royal Brunei Airlines (BI), Saudia Airlines (SV), Scoot (TR), Thai Airways (TG) and Xiamen Air. 

Ang NAIA Terminal 4 ay nanatili namang nakasara.

Sa kasalukuyang domestic operations, ang Cebu Pacific (5J), Cebgo (DG), Philippines Air Asia (Z2) and Air Swift (T6) flights ay nag-o-operate papasok at palabas ng bansa mula sa NAIA Terminal 3 habang ang Philippine Airlines (PR)  at PAL Express (2P)  ay nag-o-operate naman sa NAIA Terminal 2.

Ang naturang mga airlines ay mayroon ding sweeper flights.

Una nang pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pinoy na nagpaplanong bumiyahe sa ibayong dagay bilang mga turista na hindi pa rin sila puwedeng bumiyahe dahil sa nagpapatuloy na global Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inilabas nila ang naturang statement matapos makatanggap ng report  na anim na Pinoy ang hinarang dahil sa tangka nilang pagbiyahe sa Cambodia sa pamamagitan ng special chartered flight mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Ang naturang mga pasahero ay ibinaba dahil ang plano nilang pumunta sa ibang bansa ay para mamasyal at hindi naman ito essential.

Hindi rin umano ito sakop ng direktibang exempted ang pagiging tourist sa travel ban lalo na’t nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang bansa.