-- Advertisements --

Pansamantalang nahinto ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), makaraang makaranas ng sunod-sunod na kidlat dahil sa thunderstorm.

Ayon sa Department of Transportation (DOTR), kabilang sa kanilang sinuspinde ang flights at ground operations.

Layunin nitong mailayo sa panganib ang mga tauhan ng paliparan, lalo’t may mga pagkakataong tinatamaan ng kidlat ang mga ganung pasilidad.

Tumagal ng isang oras ang tigil operasyon, hanggang sa humupa ang thunderstorm.