-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mahaharap sa mga kasong kriminal ut administratibo ang siyam na mga enforcers ng Land Transportation Office o LTO-Caraga na nahuli sa inilunsad na joint entrapment operation kaninang umaga sa kanilang pwesto sa Purok 5, Brgy. Alubihid, sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.

Ayon kay Allan Nobleza, team leader ng joint entrapment operation, ini-utos umano ni LTO chief Markus Lacanilao ang pag-entrap sa nasabing mga personahe matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga motorista na dumaraan sa kanilang lokasyon dahil sa matagal-tagal na nilang pangingikil lalo na sa mga cargo trucks.

Isinagawa ang operasyon matapos ang isang linggong imbestigasyon at beripikasyon at nakumpirma ang kanilang modus sa pamamagitan ng ginamit na marked money kasama ang mga tauhan ng Buenavista Municipal Police Station at ng LTO Central Office.

Kanila ding iimbestigahan kung may alam dito ang regional director ng LTO-Caraga.